Tamad
Kay hirap gumising kapag gising ka na
Tulog ang katawan utak nagpapahinga
Lahat ng gagawin ipagpaliban mo na
Maaga pa naman may oras pang natitira
Oh kay sarap mong binata oh sandali na lang
Mahal kong talaga ang kumot ko at unan
Ilang buwan na bang sila ay 'di nalalabhan
Mahal kong talaga at 'di ko maiwanan
Mangarap kaya mangarap na lang
Kung mayro'ng pag-asa'y hindi ko alam
Mangarap na lang hanggang magisnan
Na may mga narating ang buhay
Mahirap mabuhay kung lagi kang gising
Mulat nga ang mata isip mo nama'y lasing
Walang katapusan kung lagi mong iisipin
Mabuti pa kaya'y matulog na nang mahimbing (oh)
Mahal kong talaga ang kumot ko at unan (oh)
Mabuti pa kaya'y matulog na nang mahimbing