Wala Nang Hahanapin Pa

Jim Paredes

Mayroon siyang estilong kanya lamang
Ang kanyang pagkababae ang dinadahilan
Pagsubok sa pag-ibig walang katapusan
'Di naman daw nagdududa naniniguro lang

Ewan ko ba ngunit kahit ganyan siya
Minamahal ko siya wala nang hahanapin pa
Kahit ano'ng sabihin ng iba minamahal ko siya
Wala nang hahanapin pa

'Di raw nagseselos ngunit nagbibilang
Nang oras 'pag ako'y ginagabi
At biglang maamo 'pag may kailangan
'Pag nakuha na ikaw ay itatabi

Ewan ko ba ngunit kahit ganyan siya
Minamahal ko siya wala nang hahanapin pa
Kahit ano'ng sabihin ng iba minamahal ko siya
Wala nang hahanapin pa

'Di magpapatalo 'pag mayroong alitan
'Di aamin ng mali magbabagong-isip lang

Ewan ko ba ngunit kahit ganyan siya
Minamahal ko siya wala nang hahanapin pa

Kahit ano'ng sabihin ng iba sinasamba ko siya
Minamahal ko pa walang kaduda-duda
Wala nang hahanapin pa

Wissenswertes über das Lied Wala Nang Hahanapin Pa von APO Hiking Society

Wann wurde das Lied “Wala Nang Hahanapin Pa” von APO Hiking Society veröffentlicht?
Das Lied Wala Nang Hahanapin Pa wurde im Jahr 1990, auf dem Album “Mga Kuwento ng Apo” veröffentlicht.
Wer hat das Lied “Wala Nang Hahanapin Pa” von APO Hiking Society komponiert?
Das Lied “Wala Nang Hahanapin Pa” von APO Hiking Society wurde von Jim Paredes komponiert.

Beliebteste Lieder von APO Hiking Society

Andere Künstler von Asian pop