Ang Pupuno Sa Akin

Madama man ang ligaya
Matanggap man ang karangalan
Maangkin man yaman at kalayaan
Nasa akin man ang lahat tila may kulang pa

Maabot man ang tagumpay
Makamtan man mga parangal
Makuha man mga luho at layaw
Nasa akin na ang lahat ngunit may kulang pa

Aanhin ko ang lahat ng yaman dito sa mundo
Kung wala ka naman sa puso ko
Anong halaga sa buhay ng tagumpay at parangal
Makuha man ang lahat hindi rin sasapat
Ikaw lang ang pupuno sa kulang na buhay ko

Magbago man ang kapalaran (magbago man ang kapalaran)
Mawala man ang karangyaan (ang karangyaan)
Maglaho man ang tuwa at saya
Basta't Ikaw ang kapiling lahat ay muling kakamtin

Ang ating pagkukulang ay bunga ng pagkaligaw
Hayaan sundan ng puso ang daan ng buhay patungo sa katotohanan

Aanhin ko ang lahat ng yaman dito sa mundo
Kung wala ka naman sa puso ko
Anong halaga sa buhay ng tagumpay at parangal
Makuha man ang lahat hindi rin sasapat
Ikaw lang ang pupuno sa kulang na buhay ko (ikaw lang ang pupuno)

Magbago man ang kapalaran (magbago man ang kapalaran)
Mawala man ang karangyaan (ang karangyaan)
Maglaho man ang tuwa at saya
Basta't Ikaw ang kapiling lahat ay muling kakamtin

Ikaw lang ang pupuno (ikaw ang pupuno)
Ikaw ikaw ikaw

Beliebteste Lieder von Bukas Palad Music Ministry

Andere Künstler von Worship