Awit Ng Paghahagad

O Diyos ikaw ang laging hanap
Loob ko'y ikaw ang tanging hangad
Nauuhaw akong parang tigang na lupa
Sa tubig ng 'yong pag-aaruga

Ika'y pagmamasdan sa dakong banal
Nang makita ko ang 'yong pagkarangal
Dadalangin akong nakataas aking kamay
Magagalak na aawit ng papuring iaalay

Gunita ko'y ikaw
Habang nahihimlay
Pagkat ang tulong mo sa tuwina'y taglay
Sa lilim ng iyong mga pakpak
Umaawit akong buong galak

Aking kaluluwa'y kumakapit sa 'yo
Kaligtasa'y t'yak kong hawak mo ako
Magdiriwang ang hari ang Diyos s'yang dahilan
Ang sa iyo ay nangakong galak yaong makakamtan

Gunita ko'y ikaw
Habang nahihimlay
Pagkat ang tulong mo sa tuwina'y taglay
Sa lilim ng iyong mga pakpak
Umaawit umaawit umaawit akong buong galak

Beliebteste Lieder von Bukas Palad Music Ministry

Andere Künstler von Worship