Mahal Na Puso Ni Hesus
Mahal na puso ni Hesus
Kami ay iyong kupkupin
At akitin ang puso namin
Nang grasya mo ay kamtin
O Kristo’y dinggin aming panalangin
Laging angkinin ang puso namin
Banal na templo’t tahanan
Dito ay kalangitan
Ang aliw namin at kayamanan
Ang tangi mong laan
O Kristo’y dinggin aming panalangin
Laging angkinin ang puso namin ah
Mga puso’y ipininid
Alaala’y said
At ang sala ng tao’y hatid
Sugat sa ‘yong gilid
O Kristo’y dinggin aming panalangin
Laging angkinin ang puso namin ah