Ano Kaya Ang Kapalaran
Dito sa mundo'y walang kasingtamis
Gaya ng umawit ng sariling himig
Bawat taginting ang wika'y pag-ibig
Siya ang humahabi ng puso na giliw
Mahirap nga palang umirog
Sinta'y dalhin-dalhing may lunos
Araw-gabi ang puso
Ang tibok ay siphayo
Ano kaya ang kapalaran
Ng amba't imbing lagay
Asahan mo't 'di palad
Kakamtan mo'y saklap
Araw-gabi ang puso
Ang tibok ay siphayo
Ng amba't imbing lagay
Asahan mo't 'di palad
Kakamtan mo'y saklap
Asahan mo't 'di palad
Kakamtan mo'y saklap