Saranggola Ni Pepe

Nonoy Gallardo

Matayog ang lipad ng saranggola ni Pepe
Matayog ang pangarap ng matandang bingi
Umihip ang hangin nawala sa paningin
Sigaw ng kahapon nilamon ng alon
Malabo ang tunog ng kampanilya ni Padre
Maingay ang taginting rosaryo ng babae

Nay nay nay nay

Matayog ang lipad ng saranggola ni Pepe
Matayog ang pangarap ng matandang bingi
Hinuli ang ibon pinagsuot ng pantalon
Tinali ng pisi hindi na nagsinturon
Dumaan ang jeepney at gumuhit pa sa kalye
Mauling ang iniwan hindi na tinabi

Nay nay nay nay

Matayog ang lipad ng saranggola ni Pepe
Matayog ang pangarap ng matandang bingi
Pinilit umawit ang naglaro'y isang ingit
Lumuha ang langit at ang mundo ay nanliit
Kumakaway sa bakod ang anghel na nakatanod
Sumusuway sa utos puso'y sinusunod

Nay nay nay nay

Wissenswertes über das Lied Saranggola Ni Pepe von Celeste Legaspi

Wann wurde das Lied “Saranggola Ni Pepe” von Celeste Legaspi veröffentlicht?
Das Lied Saranggola Ni Pepe wurde im Jahr 2009, auf dem Album “Ako at Si Celeste” veröffentlicht.
Wer hat das Lied “Saranggola Ni Pepe” von Celeste Legaspi komponiert?
Das Lied “Saranggola Ni Pepe” von Celeste Legaspi wurde von Nonoy Gallardo komponiert.

Beliebteste Lieder von Celeste Legaspi

Andere Künstler von Asian pop