Bawat Daan

Ebe Dancel

Sa pagkumpas ng 'yong kamay
Aking landas ginagabay
Nag-iisang tiyak sa isang libong duda
Silong sa iyak at pagluluksa

Kung puso ko ay imamapa
Ikaw ang dulo gitna at simula
Nahanap din kita (kay tagal kong naghintay)
Nahanap din kita (kay tagal kong naghintay)

Ho maligaw man
At mawala
At umikot man
Sa kawalan
Sa bawat kailan
Sino't saan
Ikaw lamang ang
Kasagutan
Bawat kanan
At kaliwa
Kung timog man
O hilaga ang bawat daan ko ay patungo (ay patungo)
Ay pabalik (pabalik)
Sa 'yo

Kay tagal nang lumulutang
Walang pupuntahan walang dahilan
Na parang ulap na walang dalang ulan
Kamang walang kumot at unan

Bihag ako ng pagtataka
May saysay ba ang
Paglalakbay ngunit nahanap din kita (kay tagal kong naghintay)
Nahanap kita (kay tagal kong naghintay)

Oh maligaw man
At mawala
At umikot man
Sa kawalan dahil sa bawat kailan
Sino't saan
Ikaw lamang ang
Kasagutan
Bawat kanan at kaliwa (kay tagal kong naghintay)
Kung timog man o hilaga(kay tagal kong naghintay)
Ang bawat daan ko (kay tagal kong naghintay)
Ay patungo ay pabalik sa 'yo (kay tagal kong naghintay)

Kay tagal kong naghintay (sa iyo)
Kay tagal kong naghintay (oh)

Kung ang puso ko ay imamapa
Ikaw ang dulo ang gitna't simula

Ikaw
Ikaw

Wissenswertes über das Lied Bawat Daan von Ebe Dancel

Wann wurde das Lied “Bawat Daan” von Ebe Dancel veröffentlicht?
Das Lied Bawat Daan wurde im Jahr 2015, auf dem Album “Bawat Daan” veröffentlicht.

Beliebteste Lieder von Ebe Dancel

Andere Künstler von Pop rock