Dear Kuya
Dear kuya
Kamusta ka na diyan anong balita
Malamig ba diyan dito mainit
Ngunit kung bumagyo
Para bang lahat ng tubig sa mundo ay nandito
Matagal na rin
Mula nang ika'y magpasyang subukan ang swerte
At abutin
Ang iyong mga pangarap sa ibang bansa kung saan
Ikaw ay laging mag-isa
Kami tuloy dito
Nag-aalala
Nasan ka man ngayon
Ano mang oras na ika'y may kailangan
Tawag ka lang sa amin
At parang nandito ka na rin
Parang nandito ka na rin
Oo nga pala
Kung nasayo pa ang checkered na polo ko sayo na yan
Hanap ka na rin
Ng maraming mapapaglibangan
Dahil balita ko mahal daw ang sine diyan
Dambuhala daw
Mga pinapakain d'yan tataba ka malamang
Miss mo bang mag-tagalog
Kuya pag may kumausap sayo
Galingan mong mag-ingles
Galingan mo kuya
Nasan ka man ngayon
Ano mang oras na ika'y may kailangan
Tawag ka lang sa amin
At parang nandito ka na rin
Nasan ka man ngayon
Ano mang oras na ika'y may kailangan
Tawag ka lang sa amin
At parang nandito ka na rin
Parang nandito ka na rin
Dear kuya
Hinahanap ka ni mama at daddy
Sulat ka parati
Miss ka namin
Pati ang kapitbahay nagtatanong
Sa'n ka raw nagpunta
Sa'n ka raw nagpunta
Nasan ka na kuya
Nasan ka man ngayon
Ano mang oras na ika'y may kailangan
Tawag ka lang sa amin
At parang nandito ka na rin
Nasan ka man ngayon
Ano mang oras na ika'y may kailangan
Tawag ka lang sa amin
At parang nandito ka na rin
Parang nandito ka na rin
At parang nandito ka na rin