Bakit Ba Inibig Ka

Ang sabi mo sa akin tayong dalawa'y magmamahalan lagi
Ang sabi mo sa akin tayo'y magtatagal
Tunay ang iyong pagmamahal
Ngunit ang lahat ng iyong pangako
Hindi makatotohanan kahit ito'y ating inaasam

Bakit ba inibig ka ang puso ko ngayo'y nangangamba
Kung ika'y nararapat ko pang tanggapin
Bakit ba hindi ko magawang iwasan ang iyong tingin
Ngayon ang puso mo'y mayro'ng umaangkin

Dapat bang pigilin ang nadarama kahit tayo'y laging nagkikita
Wag na tayong umasa sa pag-ibig na ito masasaktan lamang tayo
Pagkat an gating mga pangarap (mga pangarap)
Hindi mangyayari habang sati'y may nagmamay-ari (hindi mangyayari oh)

Bakit ba inibig ka ang puso ko ngayo'y nangangamba
Kung ika'y nararapat ko pang tanggapin
Bakit ba hindi ko magawang iwasan ang iyong tingin
Ngayon ang puso mo'y mayro'ng umaangkin

Hindi ko kaya ang mawala ka (oh)
Hindi ko kaya ang mag-isa
Tulungan mo akong malimot ka
Pagkat hindi na dapat pang ibigin ka (ibigin ka)

Bakit ba inibig ka ang puso ko ngayo'y nangangamba (bakit inibig ka)
Kung ika'y nararapat ko pang tanggapin
Bakit ba hindi ko magawang iwasan ang iyong tingin (bakit di magawa)
Ngayon ang puso mo'y mayro'ng umaangkin

Beliebteste Lieder von Erik Santos

Andere Künstler von Middle of the Road (MOR)