Sana Naman Sana Na Nga

Yeah oh

Alam kung minahal mo ako ng buong tapat
Inaamin na nagkulang at ginawa ay di dapat
Sinaktan ng puso mong sa akin ay sadyang tapat
Ngayo'y nangungulila sa iyong halik at yakap

Sana naman sana na nga ikaw ang kapiling
Sana na nga sana naman ako ay pansinin
Alam kung mayroon ng ibang iniibig
Ano ba ang gagawin upang ako ay mapansin

Tuwing naiisip ko na may iba ka ng mahal
Lalo lamang na nalulumbay itong buhay
Turuan mong umibig ang puso at isip
Ikaw pa rin ang siyang sinisigaw nitong aking dibdib

Sana naman sana na nga ibigin mong muli
Sana na nga sana naman balikan mo sandali
Kahit pigilin pa ang damdamin kong ito
Limutin ka'y mahirap na ituro sa puso ko

Pansinin mo pa kaya ang pag-ibig kong ito
May puwang pa ba kahit konti itong pagsamo ko
Ngunit kung sakali mang ika'y iwanan niya
Umasa kang ako'y naririto't naghihintay sayo

Sana naman sana na nga ibigin mong muli
Sana na nga sana naman balikan mo sandali
Kahit pigilan pa ang damdamin kong ito
Limutin ka'y mahirap pilitin man ang puso ko
Sana naman sana na nga ay maturuan mo na limutin ka ng puso ko

Beliebteste Lieder von Erik Santos

Andere Künstler von Middle of the Road (MOR)