Basurero Ng Luneta
Minsan maaabutan n'yo
Bandang alas-syete alas-otso
Dumadami do'n ang mga anino
Ganyan daw talaga 'pag nagtitipid
Nagde-date sa mga gilid-gilid
At sa dami-dami ng mga lovers
Ang dami rin ng mga basurang leftovers
Kasama na roon ang mga pa-cute
Na mga pangakong langit-langit ang abot
Na doon na rin nilimot at nilumot
Saan 'ka nyo
Sa'n pa kun'di kung nasa'n ang madla
Basura ay 'di nawawala
Hagis lang nang hagis
Liwasa'y dumudungis
Sino'ng maglilinis kaya
Pag-ibig di'y mayro'ng akmang pook
'Di ba't sa 'di nabubulok
Tapon lang nang tapon
Ng mga naipon
Na mga kahapon ika nga
Ang akin lang ay kuro-kuro
Pa'no naman ang hardinero
At katuwang na kaminero ng bangketa
Sa dami ng taong bolero
Ay malamang ang hirap siguro
Ng buhay ng isang basurero ng Luneta
'Di na naawa ang mga tao
Kinakawawa ang basurero
'Di na naawa ang mga tao
Kinakawawa ang basurero
Ang pagliyag may lalagyang laan
Nilalaglag kung saan-saan
Kalat lang nang kalat ng mga sinulat
Lihim alaala't sumpa
Ang akin lang ay kuro-kuro
Pa'no naman ang hardinero
At katuwang na kaminero ng bangketa
Sa dami ng taong bolero
Ay malamang ang hirap siguro
Ng buhay ng isang basurero ng Luneta
'Di na naawa ang mga tao
Kinakawawa ang basurero
'Di na naawa ang mga tao
Kinakawawa ang basurero
Sa dami ng mga usisero
At sanlaksang balitang kutsero
Kanya-kanyang kuwentong barbero na maleta
Sa nag-ibanang mga intrigero
Ay malamang ang hirap siguro
Ng buhay ng isang basurero ng Luneta