DAM
Sa ngalan ng huwad na kaunlaran
Ang bayan ko'y sa utang nadiin
At ito na ang kabayaran
Ang kanunu-nunuang lupain
Ang mga eksperto'y nagsasaya
At nagpupuri at sumasamba
Sa wangis ng diyus-diyosan nila
Ang dambuhalang dam
Damdam damdam damda dadam
Damdam damdam damda dadam
Damdam damdam damda dadam
Ang dambuhalang dam
Ang mga tribu'y nagtatatangis
Nananaghoy at nababaliw
Habang ang mga turistang mababangis
Nalilibang at naaaliw
Sa mga pulubing nagsasayaw
Mga katutubo ng Apayao
Na napaalis kahit umayaw
Alang-alang sa dam
Damdam damdam...
Titigan ninyo ang gahiganteng bato
Nagsasalarawan ng lipunang ito
Tulad ng mga gumawa rin nito
Walang pakiramdam