Ikwento Ko Na Lang [feat. Himig Lipi]

Sa dami na ng paraan mga tao'y nag-uusap
Minsa'y di na nga kailangan magkaharap
Subalit may mga hadlang
Ang mga munting panagarap
Tulad nating alapaap ang agwat

Ikwento ko na lang ang kwento ko sa hangin
Baka maghimalang ito ay liparin (aha ha ha)

At mula saking dibdib (at mula saking dibdib)
kung maaring ang pintig ay palaring ihatid
Sa iyong daigdig

Ang kanta'y lilikhain at ika'y kakaibiganin
At ako ay kilalanin mo narin (ah ha ha)

Kwento ko na lang ang kwento ko sa awit
Baka pagkamalan pwedeng maging hit
At palaging hilingin (at palaging hilingin)
At parating tugtugin (at parating tugtugin)
At iyong mapapansin at dinggin

At ang pagibig kong pilit matatawid
Sa mga bagwis ng tinig sa himpapawid

Ikwento ko na lang ang kwento ko sa hangin
Baka maghimalang ito ay tangayin
At sa langit tanawin tulad ng mga bituwin (at sa langit tanawin)

Oh hayaan nyong
Ikwento ko na lang ang kwento ko sa awit

Baka ito na ang susunod na hit
At palaging hilingin (at palaging hilingin)
At parating tugtugin (at palaging tugtugin)
Ang sariling himig natin hah aha
Inyong dinggin

Wissenswertes über das Lied Ikwento Ko Na Lang [feat. Himig Lipi] von Gary Granada

Wann wurde das Lied “Ikwento Ko Na Lang [feat. Himig Lipi]” von Gary Granada veröffentlicht?
Das Lied Ikwento Ko Na Lang [feat. Himig Lipi] wurde im Jahr 2014, auf dem Album “Gary Granada Songmaking Clinic” veröffentlicht.

Beliebteste Lieder von Gary Granada

Andere Künstler von