May Tibak At May Tibak

Alam ba natin kung ano ang tingin
Ano ang tingin nila sa atin
Bakit pa ba natin papansinin
Kung ano ang tingin nila sa atin

Para sa akin mahalaga rin
Mahalaga ring ating alamin
Kung ano ang tingin ano ang tingin
Ano ang tingin nila sa atin
Ano

Anong klaseng demo yun wala man lang nabugbog
Ang mga tibak ngayon walang lakas ng loob
Ni wala man lang naghagis ng mga molotov
Walang mailalathala walang mapapanood

Di tayo mga gunggong na hanap lang ay away
Sa halip na gulong ay magsunog ng kilay
Dahil di ang mga bagay ang dapat na basagin
Kundi isip at malay na naaalipin

May tibak at may tibak
May nagtitibak-tibakan
May tibak at may tibak
Depende sa tibak
May tibak at may tibak
Ang gusto kong tibak

Alam sukatin ang layo ng mga bituin
At ang pagkakaiba ng isda at ng pating
Alam suriin pulitikal na sitwasyon
Ang diperensya ng vodka whisky at siok tong

Kilusan ng kabataan ay hindi tumatagal
Yan ay pansamantala habang nag-aaral
Ni wala kayong masabing pundasyong teoretikal
Nakikisakay lang sa labanang pulitikal

Ang inaning tagumpay pinaghirapan ng husto
Ang talino at gabay ay interes ng tao
Huwag niyo sa amin isisi ang di nyo natamo
Kung kayo′y walang silbi noong kabataan ninyo

May tibak at may tibak
May nagtitibak-tibakan
May tibak at may tibak
Depende sa tibak
May tibak at may tibak
Ang gusto kong tibak

Nakakaunawa ng E=mc²
Nakakasira pero marunong mag-repair
Nag-aalaga ng bata, baboy at manok
At pag may miting hindi laging inaantok

Sa aking pananaliksik ay aking natuklasan
Mga kahindik-hindik na katotohanan
Ang Marxismo-Leninismo idolohiyang hungkang
Sosyalismo komunismo sa Diyos ay labag

Ang kanyang mga sinabing pagkahaba-haba
Huwag na niyang pahahabain at lalong halata
Si Padreng dalubhasa patawarin niyo Ama
At di niya nabasa ang kanyang pinupuna

May tibak at may tibak
May nagtitibak-tibakan
May tibak at may tibak
Depende sa tibak
May tibak at may tibak
Ang gusto kong tibak

Marunong magbasa ng Marx Mabini Mao Tse Tung
Marunong maglaba magsaing nang walang tutong
Kunwari cool na cool pag kaharap ang military
Nakaka-scrabble kahit walang dictionary

Mahilig kumanta at mahilig maggitara
At nakakahalata pag naririndi sila
Ngunit higit sa lahat walang pinagtatakpan
Marunong humarap sa sariling pagkukulang

May tibak at may tibak
May nagtitibak-tibakan
May tibak at may tibak
Depende sa tibak
May tibak at may tibak
Ang gusto kong tibak
Ang tipo kong tibak
Ang idol kong tibak
Ang perfect na tibak
Patay na tibak

Wissenswertes über das Lied May Tibak At May Tibak von Gary Granada

Wann wurde das Lied “May Tibak At May Tibak” von Gary Granada veröffentlicht?
Das Lied May Tibak At May Tibak wurde im Jahr 1997, auf dem Album “Lean, A Filipino Musical” veröffentlicht.

Beliebteste Lieder von Gary Granada

Andere Künstler von