Puhunan

Sa pamilihan ng lipunan sarisarin'g paninda
May kanikaniyang puhunan pera utak at ganda
Ang ilan ay may pangalan ang iba ay laway lang
May nagbabanalbanalan at mga manlilinlang

May namumuhunang pawis at hubad na katawan
Kahit pagod nila'y labis sila'y hanggang doon na lang
Mas maigi ang may bahay at lupang paupahan
Kahit di maghanapbuhay laging may laman ang tiyan

Ang negosyong magaling ay magbenta ng patay
Ngayo'y napakadaling humagilap ng bangkay
Dumating na sa sukdulan buhay na'ng binubuwis
Inuutang sa pangalan ng ganansya't interes

Kung ang dulot ng sistema'y malaganap na lagim
Sa paggamit ng puhuna'y huwag nawa tayong sakim
Sa damdamin ng abang kagaya kong isang mortal
Ang dugo'y mas matimbang kaysa kapital

Napuna kong di maaring magkameron ang wala
Kung kaya ko minangyaring mangalakal ng bahagya
Upang matiyak ang tagumpay naglakasloob akong
Sa maginoong sanay kumunsulta't magtanong

Nais ko sanang matutuna't nang gayo'y magaya ko
Paano kang namumuhunan ba't ang yamanyaman mo
At ang agilang anghel ay nagladlad na ng anyo
Ang wika ni Tiyo Samuel ang puhunan ko'y kayo

Wissenswertes über das Lied Puhunan von Gary Granada

Auf welchen Alben wurde das Lied “Puhunan” von Gary Granada veröffentlicht?
Gary Granada hat das Lied auf den Alben “Gary Granada Live” im Jahr 1994, “Mapa 1: Mga Awit Na Magagamit Sa Panlipunang Aralin (Vol.1)” im Jahr 2013 und “The Essential Gary Granada Collection” im Jahr 2014 veröffentlicht.

Beliebteste Lieder von Gary Granada

Andere Künstler von