Breadwinner

Geo Ong

Bakit ba ganito
Tanong ko lang
Mahalaga ba 'ko sa inyo
Bakit parang ako lang ang may pasan nito
Pamilya ko nga ba talaga kayo
Sana'y mahalin n'yo rin ako oh
Lahat ay gagawin ko ooh
Para sa inyo

Hindi ba dapat pamilya ang una kong tatakbuhan
Pero bakit ganu'n
Ako'y inyong tinakbuhan
Ang anak n'yo lamang ay yung matalino kong kapatid
Kahit sagot ko naman ang lahat 'pag tayo ay said
Mabait lang kayo Ma, Pa, 'pag may kailangan
Ang lambing n'yo ah tatay-tatayan nanay-nanayan
'Yan ang galawan na inyong nakasanayan
Anak 'yung utang ko kelangan nang bayaran

Ano po ba ang tingin n'yo sa 'kin ha mayaman
'Pag wala 'kong naibigay ako may kasalanan
Mga miyembro ng pamilya mo na abusado
Hingi lang nanghingi sa 'yo, ayaw magtrabaho
'Pag di ka nakapagbigay ikaw pa ang masama
Wala eh, pamilya mo kaya wala kang magawa
Kung lagi kayong ganyan, pa'no naman ako
Isipin n'yo naman ako 'wag 'yung kayo lang nang kayo

Lagi na lang ako, bakit gan'to
Naalala n'yo lang ako 'pag may kailangan kayo
Kung mahal n'yo ako 'di sana gan'to
Kung mahal n'yo ako sana naman ipadama n'yo

Kahit parang ako lang ang may pasan nito
Pipilitin ko pa ring kayanin 'to
Sana'y mahalin n'yo rin ako oh
Lahat ay gagawin ko para sa inyo

Mismong magulang mo ikaw ay palaging sinasaktan
Sobrang sakit na pero pilit mo pa ring tinatakpan
Minsan hindi mo na alam kung ano ang gagawin
Sa agos ng buhay na 'to sa'n nga ba tayo dadalhin
Kasi nakakapagod nang huminga
Pakiramdam ko ang lahat sa akin ay huli na
Ang tagal ko nang nabubuhay pero halos walang bago
Talunan pa rin ang tingin sa 'kin ng mga tao

Kung buhay ang tawag dito, ayoko nang mabuhay
Gusto nila pekeng ikaw ayaw nila ng tunay
Gusto nila kung ano sila dapat ganu'n ka rin
Sa panahon ngayon tanong ko lang dapat ba 'yong gawin
Walang nangangamusta, wala ring kumakausap
Pagpikit ko halos ayaw ko nang buksan ang talukap
Nakakapagod na, nakakapagod na
Buhay na bigay mo sa 'kin saan nga ba ang punta
Diyos Ama

Lagi na lang ako, bakit gan'to
Naaalala n'yo lang ako 'pag may kailangan kayo
Kung mahal n'yo ako 'di sana gan'to
Kung mahal n'yo ako sana naman ipadama n'yo

Kahit parang ako lang ang may pasan nito
Pipilitin ko pa ring kayanin 'to
Sana'y mahalin n'yo rin ako oh
Lahat ay gagawin ko para sa inyo

Kaya lagi mong tandaan ang masamang karanasan
Habambuhay 'yan nandiyan hindi ka niyan tatantanan
Sarili mo lang ang kakampi mo oo walang iba
Sa mundong to haharapin mo ang laban nang mag-isa
Oo mag-isa noon pa man ganu'n naman 'di ba
Kapag meron ka lang tsaka lamang nandidiyan sila
Para makahiram ng pera ang lakas pa mang-uto
Sasabihin pang parang 'di naman tayo magkadugo

Kadugo
'Wag n'yo naman sanang abusuhin
Porke kilala n'yo 'ko na masyadong masunurin
Ayoko pa naman sa lahat mga manggagamit
Hindi ko namalayan ako na pala nagamit
Pero ganu'n pa man, kahit sobrang galit ako
Di ko pa rin makayanan na ipagpalit kayo
Dahil isa lang ang mundo bali-baliktarin man to
Kayo pa rin at ako pamilya ko pa rin kayo

Kahit parang ako lang ang may pasan nito
Pipilitin ko pa ring kayanin 'to
Sana'y mahalin n'yo rin ako oh
Lahat ay gagawin ko para sa inyo

Kahit parang ako lang ang may pasan nito
Pipilitin ko pa ring kayanin 'to
Sana'y mahalin n'yo rin ako oh
Lahat ay gagawin ko para sa inyo
Hoh...hmm hmm...

Beliebteste Lieder von Geo Ong

Andere Künstler von Asian hip hop