Huling Liham

Geo Ong

Isang gabe kausap mo ang iyong nobya
Gaya ng dati sya ay iyong binobola
Nakaramdam ka ng init ng katawan
Hiningan mo sya ng video ng kanyang maselang harapan
Ang sabe nya di ko pwede pakita to kanino man
Sabe mo promise pag tapos ko buburahin ko yan
Sabe nya ayoko nga nagpumilit ka pa rin
Nung sinabi mong tiwala lang napilitan syang gawin

Hanggang sa nagpadala sya ng videong hubo't hubad
Nagsarili ka kaagad pagka-sent kumot agad
Pag tapos mong pagnasahan tinignan mo ulit sya
Tingin mona sa kanya e andumi-dumi nya
Naisip mong ipost online ang katawan
Nya na may malaswang caption at naka-tag pa sya
Nung nakita nya umiiyak sya ng nagmamakaawa
Tanggalin mo yan please para mo nang awa
Hanggang sa nag-umpisa ng ilike ishare ng mga tao
Mga komentong bastos na hindi makatao
May mga naaawa at may mga natatawa
Nakita naren pati ng mga barkada
Nya may kaybigan kumampe may kaybigang nanghusga
Di malabong katawan nyay sa libingan ang punta
May mga pinakita sa kamaganak nila
Yung mga taong masaya pag nakatapak sila

Kinabukasan ay pumasok sya sa paaralan
Halos lahat di mapigilan na syay pagtawanan
Hanggang sa nasa loob na sya ng kanyang klase
Tinatanong sya ng lahat tungkol dun sa nangyare
Pinatawag ang magulang nya ng guro nyang mabagsik
At pagtapos ng usapan sya pala'y pinatalsik
Pati magulang sya'y sinaktan dahil sa kahihiyan
Diko anak yan sino bayan Diyos ko kadiri yan
Pakiramdam nya ngayon sirang-sira na buhay
Kahit saan sya magpunta pinag-uusapan sya
Iba't iba ang naririnig nyang salitang masakit
Dahil sa kumakalat nyang balitang mapait

Hanggang sa naisipan nya ng magpakamatay
Isinaksak sa tiyan ang kutsilyong hawak sa kamay
Pinuntahan sya ng magulang nya para bigyang gabay
Pero ang naabutan nila anak nilang patay
Humagulgol sa kakaiyak ang dalawang mag asawa
Kailan man ang anak nila'y dina makakasama
Dumating ang mga kamag-anak at mga kaibigan
Ang natatanging mga tao na kayang sandigan
Di makapaniwala ang lahat na isang buhay
Na naman ang nawala at nalaman na lamang ng kanyan nobyo ang nangyare
Nang makita nya ang huling liham ng babae at ang sabi

Oo inaamin ko mali ang ginawa ko pero mahal ko
Mas mali nag ginawa mo nagtiwala ako sayo
Pagkat mahal kita baka pag diko ginawa
Maghanap ka ng iba tapos sa kabila ng lahat
Ay nagawa mo yun bagay na sa atin lang dapat nakakalat na ngayon
Ilang taon ilang buwan din ang ating tinagal kung alam ko lang di na
Ikaw ang aking minahal sa ginawa mo parang binawian mo na ko ng buhay
Ang bigat bigat para akong nakabaon sa hukay
Wala na wala nakong mukhang ihaharap pati
Magulang ko di nako matanggap bilang anak
Hindi ko na alam kung kakayanin ko pa to
Mas mabuti pa siguro kung tapusin ko na to
Hindi ko na alam kung kakayanin ko pa to
Mas mabuti pa siguro kung tapusin ko na to

Wissenswertes über das Lied Huling Liham von Geo Ong

Wann wurde das Lied “Huling Liham” von Geo Ong veröffentlicht?
Das Lied Huling Liham wurde im Jahr 2018, auf dem Album “Concerned Citizen” veröffentlicht.

Beliebteste Lieder von Geo Ong

Andere Künstler von Asian hip hop