Norem

Gloc-9, Abaddon (PHL), Shanti Dope

Dami ng gustong kumuha
Dyan na lang sa may bangketa
Para di masyadong kita
Ng mabenta kong paninda ko
Ano ba to
Binebenta ko
Pano ba to
Ako lang ang meron neto

Alas dose hating gabi
Pwedeng pa-gramo gramo kung gustong bumili
Abutan ng bayad sa may tabi tabi
Ingat lang dahil baka may makasalisi

Makinig sa istorya dun sa may Divisoria
Alamin ang lahat tungkol sa anak ni Aling Gloria
Palaging nasa lansangan kahit na maalinsangan
'Di siya nag-aalinlangan basta tamang bentahan
Kaya ingat lang sa kapkapan baka magkabakbakan
May bakal ka ba na dala na katulad nila sinubukang lumaban
Wag niyo akong tutularan sa tabi ng kanyang pangalan
May dugo na namang bumaha sa daan na kailangang punasan
Kailan kaya matututo wag matigas iyong ulo
'Di nakuntento sa porsyento dibidendo kilo-kilo
Napariwara na ba ay ilan sagot laging tanong ay kailan
Ilan pa bang buhay ang dapat masira't kailangang hanguin sa putikan

Paninda ko
Ano ba to
Binebenta ko
Pano ba to
Ako lang ang meron neto

Ako na lang ang meron wala na dito samin
Mga isdang kasabaya'y naprito na't nadaing
Sistemang mapanlamon ang dami kong inihain
Handa kong mamatay dahil may dapat na buhayin
Pamilyang umaasang matulungan sila
Buo kong nilunok ang kaba kahit maputol ang paghinga
Di pwedeng ako'y makulong lalaban ako kahit mag-isa
Sabog ulo man o palit ulo kahit na magturo ng iba
Nakulong na si kosa nanlaban na si tropa
Pasensya na kayo kailangang maabot ang kota
Para to sa pang suporta wala ng makakakontra
Trabaho lang walang personalan bago lumayo ng sobra
Sa espadahan ng sungay kailangan ikaw ay mahusay
Kailangang masigurado ko ang kinabukasan ng aking pamilya bago humandusay
La akong pakialam kung marami na nabiktima at nahulog sa hukay
Mga ilang kilo na lang ay titigil na din ako sa ganitong hanapbuhay

Gusto ko na talagang magbagong buhay kasi lumalaki na yung mga anak ko

Mamang nakaputi pwede ka bang lumingon
Nung tinda mo sa 'yong munting kariton
Ang bibig ko'y tikom lang kita'y lalago
Basta may libreng tikim sa iyong nilalako

Sabi ko noon kay inay
Kaya ko na po'ng mag-isa
Sa pag babalik ko ultimo sa mga ngipin ko'y walang natira
Sa kadapag pikit ko nagtatanong
Sa sarili ng maiba
Papano kung maaga ko dapat asahan
Ng aking mabatong lapida kaya
Kahit na ay dilat hirap ng alamin
Kung kaninong bungo dun kaharap ko sa salamin
Pero kahit madalas mapraning
Bihasang bihasa na'to pagdating
Sa galawan ako lamang ang tanging biktima at ang salarin
Sinugal ang kagipitan
Salapi't kaibigan
Habang buhay dinala kasiyahan na panandalian
Mundong nilasap ko ng matagal
Kahit pa sabik pa 'kong iwan
Kase sa hule rehas at libingan lamang ang pwede ko pagpilian

Dami ng gustong kumuha
Dyan na lang sa may bangketa
Para di masyadong kita
Ng mabenta kong paninda ko
Ano ba to
Binebenta ko
Pano ba to
Ako lang ang meron neto
Ako lang ang meron neto
Ako lang ang meron neto

Wissenswertes über das Lied Norem von Gloc-9

Auf welchen Alben wurde das Lied “Norem” von Gloc-9 veröffentlicht?
Gloc-9 hat das Lied auf den Alben “Rotonda” im Jahr 2017 und “Rotonda - EP” im Jahr 2017 veröffentlicht.
Wer hat das Lied “Norem” von Gloc-9 komponiert?
Das Lied “Norem” von Gloc-9 wurde von Gloc-9, Abaddon (PHL), Shanti Dope komponiert.

Beliebteste Lieder von Gloc-9

Andere Künstler von Film score