Sirena

Ebe Dancel, Gloc-9

Ako'y isang sirena
Kahit anong sabihin nila ako ay ubod ng ganda
Ako'y isang sirena
Kahit anong gawin nila bandera ko'y di tutumba

Drum na may tubig ang sinisisid
Naglalakihang mga braso saki'y dumidikdik
Drum na may tubig ang sinisisid
Sa patagalan ng paghinga sa'kin kayo ay bibilib

Simula pa nang bata pa ako
Halata mo na kapag naglalaro
Kaya parang lahat ay nalilito
Magaling sa chinese garter at piko
Mga labi ko'y pulang pula
Sa bubble gum na sinapa
Palakad-lakad sa harapan ng salamin
Sinasabi sa sarili ano'ng panama nila
Habang kumekembot ang bewang
Mga hikaw na gumegewang
Gamit ang pulbos na binili kay Aling Bebang
Upang matakpan ang mga pasa sa mukha
Na galing sa aking ama
Na tila di natutuwa sa tuwing ako'y nasisilayan
Laging nalalatayan
Sa paglipas ng panahon ay di ko namamalayan
Na imbes na tumigas ay tila lalong lumambot
Ang puso kong mapagmahal
Parang pilikmatang kulot

Ako'y isang sirena
Kahit anong sabihin nila ako ay ubod ng ganda
Ako'y isang sirena
Kahit anong gawin nila bandera ko'y di tutumba

Drum na may tubig ang sinisisid
Naglalakihang mga braso saki'y dumidikdik
Drum na may tubig ang sinisisid
Sa patagalan ng paghinga sa'kin kayo ay bibilib

Hanggang sa naging binata na ako
Teka muna mali dalaga na pala 'to
Pero bakit parang lahat ay nalilito pa rin
Ano bang mga problema nyo
Dahil ba ang mga kilos ko'y iba
Sa dapat makita ng inyong mata
Sa tuwing nanonood ng liga laging natutulala
Kahit di pumasok ang bola ako'y tuwang-tuwa
Kahit kinalyo na sa tapang kasi ganun na lamang
Akong paluin ng tubo kahit kinakalawang
Tama na naman itay di na po ako pasaway
Di ko na po isusuot ang lumang saya ni inay
Kapag ako'y naiiyak ay sumusugod sa ambon
Iniisip ko na lamang na baka ako'y ampon
Kasi araw-araw na lamang ay walang humpay na banat
Ang inaabot ng ganda kong pang-ilalim ng dagat

Ako'y isang sirena
Kahit anong sabihin nila ako ay ubod ng ganda
Ako'y isang sirena
Kahit anong gawin nila bandera ko'y di tutumba

Drum na may tubig ang sinisisid
Naglalakihang mga braso saki'y dumidikdik
Drum na may tubig ang sinisisid
Sa patagalan ng paghinga sa'kin kayo ay bibilib

Lumipas ang mga taon nangagsipag-asawa
Aking mga kapatid lahat sila'y sumama
Nagpakalayo-layo ni hindi makabisita
Kakain na po itay nakahanda na'ng lamesita
Akay-akay sa paglakad paisa isang hakbang
Ngayo'y buto't balat ang dati matipunong katawan

Kaya sa iyong kaarawan susubukan kong palitan
Ang lungkot na nadarama wag na po nating balikan
Kahit medyo naiinis hindi dahil sa nagka-cancer
Kasi dahil ang tagapag-alaga mo'y naka-duster
Isang gabi ako'y iyong tinawag lumapit
Ako sa'yong tabi ika'y tumangan kumapit
Ka sa aking kamay kahit hirap magsalita
Anak patawad sana sa lahat ng aking nagawa
Di sinusukat ang tapang at ang bigote sa mukha
Dahil kung minsan mas lalaki pa sa lalaki ang bakla

Drum na may tubig ang sinisisid
Naglalakihang mga braso saki'y dumidikdik
Drum na may tubig ang sinisisid
Sa patagalan ng paghinga
Sa'kin kayo ay bibilib

Ako'y isang sirena
Kahit anong gawin nila
Bandera ko'y di tutumba

Wissenswertes über das Lied Sirena von Gloc-9

Wann wurde das Lied “Sirena” von Gloc-9 veröffentlicht?
Das Lied Sirena wurde im Jahr 2012, auf dem Album “MKNM (Mga Kwento Ng Makata)” veröffentlicht.
Wer hat das Lied “Sirena” von Gloc-9 komponiert?
Das Lied “Sirena” von Gloc-9 wurde von Ebe Dancel, Gloc-9 komponiert.

Beliebteste Lieder von Gloc-9

Andere Künstler von Film score