Isang Awit
Noong ako'y pitong taong gulang
Nais ko nang umawit
Ang bilin sa akin ng nanay ko
Sige anak pagbutihin mo
Kaya alay ko sa inyo'y isang awit
Awit ni inay na itinuro sa akin
At kung ito'y maibigan nyo
Nais kong awitin nyo rin itong awit ko
Katulad ng ibong lumilipad
Ang nadarama ko tuwing kumakanta
Tila naririnig sa langit
Habang lumalakas ang pag awit
Sana'y bigyan ako ng pagkakataon
Umawit ng awit buhat sa puso't kaluluwa
At kung ito'y matapos na
Sana ay inyong maaalala pa
At kung ito'y matapos na
Sana ay inyong maaalala pa
Kaya alay ko sa inyo'y isang awit
Awit ni inay na itinuro sa akin
At kung ito'y maibigan nyo
Nais kong awitin nyo rin itong awit ko
Sana'y bigyan ako ng pagkakataon
Umawit ng awit buhat sa puso't kaluluwa
At kung ito'y matapos na
Sana ay inyong maaalala
Inyong maaalala pa ah