Tag-araw, Tag-ulan

Willy Cruz, Jimmy Webb

Tag-araw
Sa may dagat namasyal
At pagdilim
Sa may baybay humimlay

At nagyakap
Sabay sa pagsabog ng alon
Sabay sa paghuni ng ibon
Saksi ay liwanag ng buwan

'Di ba sabi mo pa
Na wala pang iba
Na ako ang una
Sa pagmamahal mo sinta

At ang buhay
Nating dal'wa ay nagbunga
Ng makulay na pag-ibig na dakila
Ngunit bakit
Ngayong umuugong ang hangi't ulan
'Sing lamig ng gabi ang mga halik mo
Ni wala ng apoy titig mo sa akin
Naglaho ba ang pagmamahal mo sinta.

Hindi ko rin inaasahan ang mga pangyayari
At dinaramdam ko rin ng husto ang pagkasawi ng ating pag-ibig
Ngunit kailangang tanggapin natin na ganito ang buhay
Ibig ko lang malaman mo na mahal pa rin kita

At nagyakap
Sabay sa pagsabog ng alon
'Di ba sabi mo pa
Na wala ng iba
At sa habang buhay
Tayo'y magsasama
Nakamtan ko ang pagmamahal mo sinta

Ngunit bakit
Sa tag-ulan ay naglaho
'Sing lamig ng gabi ang mga halik mo
Ni wala ng apoy titig mo sa akin
Naglaho na ang pagmamahal mo sinta

Beliebteste Lieder von Hajji Alejandro

Andere Künstler von Pinoy pop