Love Team

Di
Di naman talaga
Tayo mag-sinta
Pero gusto nila
Kahit ayaw mo
Bagay raw tayo
Di naman totoo mga yakap mo
Pang-eksena lamang to

Di mo lang alam
Na nababaliw na 'ko sa iyo
Di ko na yata kaya 'to
Ang aking lihim na pakay
Ay ang lahat na ito'y gawing tunay

Sana wag mo kong sisihin
Kung di ko kayang pigilin
Sabi mo na mahal mo ko
Ngunit di naman seryoso

Sana'y magkasingkulay
Ang drama at tunay na buhay ko
Tanging pag-asa ko
Ay nasa tambalang ito

Si-sinungaling ka
Kapag may tao
Ay nilalambing mo ako
Pero pag wala ay sumasama
Turing mo sakin ay parang hangin
Bitin na bitin
Di nila alam

Na sa dulo ng tagpo
Di na patok mga linya ko
Nag-iiba ang iyong asta
Hanggang sa susunod na eksena

Sana wag mo kong sisihin
Kung 'di ko kayang pigilin
Sabi mo na mahal mo ako ngunit di naman seryoso

Sana'y magkasingkulay
Ang drama at tunay na buhay ko
Tanging pag-asa ko
Ay nasa tambalang ito
Sana magkatotoo (oh oh)

Sana wag mo kong sisihin
Kung di ko kayang pigilin
Sabi mo na mahal mo ko
Ngunit di naman seryoso

Sana magkasingkulay
Ang drama at tunay na buhay ko
Tanging pag-asa ko
Ay nasa tambalang ito

Wissenswertes über das Lied Love Team von Itchyworms

Wann wurde das Lied “Love Team” von Itchyworms veröffentlicht?
Das Lied Love Team wurde im Jahr 2005, auf dem Album “Noon Time Show” veröffentlicht.

Beliebteste Lieder von Itchyworms

Andere Künstler von Pop rock