Gusto Ko Pa

Parang tanga
Naniniwala pa rin sa'yo
Alam ko na
Sinusukuan mo lang ako

Kahit hindi ka nakikiramdam
Kahit wala ka nang pakialam
Mahal pa rin kita

Gusto ko pa
Kahit na ayaw mo na
Kahit pinaikot mo lang ako
Gusto ko pa kahit nasasaktan na
Handang masaktan para lang sa'yo
Hihintayin hanggang sa huli
Pag-ibig kong di mo kayang isukli
Kahit masakit
Gusto ko pa

Di ko alam kung san ako nagkamali
Sinasaktan ko lang ang aking sarili

'Di na natuto sa nakaraan
Ikaw pa rin ang binabalikan
Mahal pa rin kita

Gusto ko pa
Kahit na ayaw mo na
Kahit niloloko mo lang ako
Gusto ko pa kahit nasasaktan na
Handang masaktan para lang sa'yo
Hihintayin hanggang sa huli
Pag-ibig kong di mo kayang isukli
Kahit masakit
Gusto ko pa (gusto ko pa gusto)
Gusto ko pa oh (gusto ko pa gusto)

Susunugin ang sarili
Para lang mailawan ka
Iaalay aking buhay huwag ka lang mawawala

Gusto ko pa
Kahit na ayaw mo na
Kahit pinaikot mo lang ako
Gusto ko pa kahit nasasaktan na
Handang masaktan para lang sa'yo
Hihintayin hanggang sa huli
Pag-ibig kong di mo kayang isukli
Kahit masakit
Gusto ko pa (gusto ko pa gusto ko pa gusto ko pa gusto)
Gusto ko pa (gusto ko pa gusto ko pa gusto)

Susunugin ang sarili
Para lang mailawan ka
Hm mahal pa rin kita

Beliebteste Lieder von Jason Dy

Andere Künstler von Pop rock