Lahat

Para bang isang kanta
Na di maatapos tapos
Di mahuli ang melodiya
Bawat letra ay kapos
Mabagal ang bawat galaw
Walang kagana-gana
Ang mga diskarte ay hilaw
Palpak lahat walang tumama

Ang buhay ko'y sablay
Pag di ka naka-alalay
Pero pag nandito ka
Lahat nag-iiba
Araw ay gumaganda

Sa piling mo ang kalahati ay buo
Lumalaki ang kapiraso
Gumagaan ang mabigat
Dumadali kahit mahirap
Ang kulang ay napupuno
Lumilinaw kahit na malabo
Kumpleto sakto mismo ang pag-ibig mo

Ang sarap sarap ng feeling
Sa piling mo ay nasa akin ang lahat
Lahat lahat
Lahat lahat lahat

Para bang pelikula
Punong-puno ng drama
Sobrang boring ng eksena
Kapag hindi kita kasama
Ang buhay ko'y bitin
Pag hindi kita kapiling
Pero pag nandito ka
Lahat nag-iiba
Araw ay gumaganda

Sa piling mo ang kalahati ay buo (kalahati ay buo)
Lumalaki ang kapiraso
Gumagaan ang mabigat
Dumadali kahit mahirap
Ang kulang ay napupuno (ang kulang ay napupuno)
Lumilinaw kahit na malabo
Kumpleto sakto mismo ang pag-ibig mo

Ang sarap sarap ng feeling (ang sarap sarap ng feeling)
Sa piling mo ay nasa akin ang lahat
Lahat lahat
Lahat lahat lahat

Parang nga bang himala
Ang bad trip ay nawawala
Problema'y kayang kaya na (kaya na)
Sa piling mo

Ang kalahati ay buo (kalahati ay buo)
Lumalaki ang kapiraso
Gumagaan ang mabigat (oh)
Dumadali kahit mahirap
Ang kulang ay napupuno (ang kulang ay napupuno)
Lumilinaw kahit na malabo
Kumpleto sakto mismo ang pag-ibig mo
Ang sarap sarap ng feeling (ang sarap sarap)
Sa piling mo ay nasa akin
Ang sarap sarap ng feeling (ang sarap sarap)
Sa piling mo ay nasa akin ang lahat
Lahat lahat
Lahat lahat lahat oh

Beliebteste Lieder von Jason Dy

Andere Künstler von Pop rock