Magpakailan Pa Man
[Verse 1]
Paglisan mo'y 'di ko matanggap
Kay hirap mawalay sa 'yo
Bahagi ka ng buhay ko
Minahal ka ng totoo
[Pre-Chorus]
Bakit kaya ganyan ang buhay sa mundo?
Kung sino ang siyang mahal
Siya pang mawawala sa iyo
[Chorus]
Magpakailan pa man, ikaw ang mahal, ho-woah-woah
Maghihintay na ako'y iyong balikan
Sa puso ko'y tanging ikaw lamang, ho-woah, oh-oh-oh
[Verse 2]
Hapdi man ang nadarama ko
'Di susuko ang puso ko, oh-oh-oh
Nalason man ang isipan mo
Pag-ibig ko'y 'di mababago oh-oh-oh
[Pre-Chorus]
Bakit kaya ganyan ang buhay sa mundo?
Kung sino ang siyang mahal
Siya pang mawawala sa iyo
[Chorus]
Magpakailan pa man, ikaw ang mahal, ho-woah-woah
Maghihintay na ako'y iyong balikan
Sa puso ko'y tanging ikaw lamang, ho-woah, oh-oh-oh
[Bridge]
Nasaktan man ang damdamin ko
Sa puso ko'y tanging ikaw lamang
[Chorus]
Ikaw ang mahal, ho-woah-woah
Maghihintay na ako'y iyong balikan
Sa puso ko'y tanging ikaw lamang
Magpakailan pa man, ikaw ang mahal, ho-woah-woah
Maghihintay na ako'y iyong balikan
Sa puso ko'y tanging ikaw lamang, hoh-oh-oh