May Ligaya Pa Ba?
Hindi ko inisip na ikaw ay lalayo
Dahil ang sabi mo'y tapat ang iyong puso
Ngunit nasaan na ang mga pangako
Bakit pag-ibig mo'y biglang naglaho
Ngayo'y di ko alam ang aking gagawin
Luluha na lang ba
Lahat ay tatanggapin
At kung maghihintay ikaw ba'y darating
May ligaya pa ba na para sa akin
Sana noon pa ma'y sinabi mo na
Laman ng aking puso'y di na umasa
Sana'y nalaman ko
Habang umaga pa
Na ang sarili na'y hangad ko na
Ngayo'y di ko alam ang aking gagawin
Tulungan na lang ba
Lahat ay tatanggapin
At kung maghihintay ikaw ba'y darating
May ligaya pa ba na para sa akin
Ngayo'y di ko alam ang aking gagawin
Tulungan na lang ba
Lahat ay tatanggapin
At kung maghihintay ikaw ba'y darating
May ligaya pa ba
May ligaya pa ba
May ligaya pa ba na para sa akin