Buntong-Hininga

Sa dinami-daming tao sa mundo
May nag-iisang para sa'yo
Kanyang pupunan ang 'yong pagkukulang
S'ya ang sasalo anumang ibato ng mundo oh

Ang 'yong pag-alala kanyang mapapakalma
Ang dating ayaw mo ika'y magkakagusto
Ang isa'y dalawa kayong dalwa'y iisa
Saan ka man magpunta hindi ka na mag-iisa

Kaya pagal na puso 'wag na 'wag susuko
May hihilom sa mga sugat mo

Sa iyong mga patawa ay 'di ka na papalya
Siya ang tanging bangka 'pag baha nang 'yong luha
At 'pag naliligaw na kamay nya ang 'yong mapa
S'ya ang antipara pag malabo na ang 'yong mata

Kaya saradong puso buksan muli ang iyong pinto
May kakatok
May kakatok
Balang araw

Sa dinami-daming tao sa mundo
Aba'y akalain mong tayo ay magtatagpo

Nagkatugmahang puso sa wakas simula na 'to
Buntong hininga
Buntong hininga
Mag buntong hininga kaya muna tayo

Beliebteste Lieder von Johnoy Danao

Andere Künstler von Film score