Isang Umaga

Johnoy Danao

Isang umaga ako'y nag-aabang
Ng masasakyan
Patungong ligaya
Biyaheng kalungkutan ang dumaaan
Tila nawawalan
Na ako ng pag-asa
Isang umaga paggising ko
Naalala ko ang sinabi mo
Laban hanggang dulo
  
Kapit lang, 'wag kang padadala
Daanan mo lang ang 'yong problema
Dinaan natin sa tawa
Manalig ka, kaibigan
'Wag kang hihinto
'Wag ka sanang sumuko
Dalawang dapa
Tatlong tayo
May sasalo sa'yo
Isang umaga
Isang umaga ikaw ay nagpasyang
Ipakilala sa mundo
Tunay mong pagkatao
Alinlangan sa isip mo
Tanggap kaya nila ako?
'Di ka sigurado
At nang lumapit ang magulang mo
Niyakap ka't sinabi sa iyo
Malaya ka na, Pedro
Malawak ang iyong mundo
Taas noo, 'wag kang matakot
Sa alab ng 'yong puso
Ipagdiwang ang kalayaan
Wag kang hihinto
Wag ka sanang sumuko
Dalawang dapa
Tatlong tayo
May sasalo sayo  
Isang umaga

Beliebteste Lieder von Johnoy Danao

Andere Künstler von Film score