Tulak Ng Bibig

Julianne

Tulak ng bibig kabig ng dibdib
Tulak ng bibig kabig ng dibdib

'Di ko na alam ang gagawin ko sa iyo
Paikot-ikot lang nalilito oh ba't ganito
Paggising sa umaga ikaw ang nasa isip
Pagtulog sa gabi laman ng panaginip
Mahal ba kita
O ano
Ewan ko

Hindi ko na alam ang gagawin ko sa iyo (hindi ko na alam hindi ko na alam)
Simula nang makilala di maipinta
Ngiti sa mata
Magdamag ang kwentuhan kulitan tawanan
'Di ko maintindihan bakit ngayon lang
Kung kelan ang puso ko ay maselan

Hindi mo lang alam
Takot lang akong masaktan
Iniingatan lang aking puso
Kung maiibibigay ko lang ang sinasabi mo
'Di na sana tayo nagkakaganito
Pasensya ka na kung hanggang dito lang muna tayo

'Di ko na alam ang gagawin ko sa iyo (hindi ko na alam hindi ko na alam)
Paikot-ikot lang nalilito oh ba't ganito
Urong-sulong yan ang paborito
Lilitaw lulubog 'tanong mo kahit sino
Pakisabi na lang
Ano ba talaga'ng gusto mong gawin ko

Hindi mo lang alam
Takot lang akong masaktan
Iniingatan lang aking puso
Kung maiibibigay ko lang ang sinasabi mo
'Di na sana tayo nagkakaganito
Pasensya ka na kung hanggang dito lang muna tayo

Pakiusap lang
Wag mo na akong tignan nang ganyan
Nakakatunaw ang iyong tingin
Hinay-hinay ka lang
Mahina ang kalaban
Baka 'di na maiwasang
Mahulog nang tuluyan

Hindi mo lang alam
Takot lang akong masaktan
Iniingatan lang aking puso
Kung maiibibigay ko lang ang sinasabi mo
'Di na sana tayo nagkakagulo-gulo
Pasensya ka na kung hanggang dito lang muna tayo

Hanggang dito na lang
Hanggang dito na lang

Tulak ng bibig kabig ng dibdib
Tulak ng bibig kabig ng dibdib
Tulak ng bibig kabig ng dibdib
Tulak ng bibig kabig ng dibdib
Tulak ng bibig kabig ng dibdib
Tulak ng bibig kabig ng dibdib
Tulak ng bibig kabig ng dibdib
Tulak ng bibig kabig ng dibdib

Beliebteste Lieder von Julianne

Andere Künstler von Pop rock