Iniibig Kita
Pinili kong ibigin ka
Huwag ka nang mangangamba
O sinta umasa ka
Iniibig kita o hirang
Kay tagal na nag-abang
Na iyong makilala
Sa mundong katiyakan mo
Hindi magbabagong pag-ibig ko
Iniibig kita o kay saya o kay ganda
Nagbago ng aking mundo
Nang mga luha'y punasan mo
Iniibig kita kahit anong mangyari pa
Kanlungan ka ng puso ko
Sa tuwing ako'y gulong-gulo
Aking sinta walang iba mahal kita
Buhay ay ibibigay
Ang lahat iaalay
Di ako magsasawa
Ibigin ka o aking hirang
Iniibig kita o kay saya o kay ganda
Nagbago ng aking mundo
Nang mga luha'y punasan mo
Iniibig kita kahit anong mangyari pa
Kanlungan ka ng puso ko
Sa tuwing ako'y gulong-gulo
Aking sinta walang iba mahal kita