Nasaan
Kung babalikan natin ang panahon
Mga alaala ating pilit kinalimutan
Iwasan man natin ang pait ng kahapon
Ito'y magbabalik sa unang pagkakataon
Tayo'y may sumpaan
Tila magkaibigan
Magtutulungan sa hirap o ginhawa man
Nasaan ang katarungan
Nasaan ang kaligayahan
Na naranasan natin sa nakalipas na panahon
Noong tayo'y masaya at namumuhay ng payapa
Nasaan ang katarungan
Nasaan ang kaligayahan
Nating dalawang magkaibigan
Bawat kwento ng pusong nagmamahalan
May pagsubok na pagdaraanan
Magkaiba man ang ating mundo
Tayo'y magkaisa sa pagtupad ng isang pangako
Tayo'y may sumpaan bilang magkaibigan
Magtutulungan sa hirap o ginhawa man
(Sa hirap o ginhawa man)
Nasaan ang katarungan
Nasaan ang kaligayahan
Na naranasan natin sa nakalipas na panahon
Noong tayo'y masaya at namumuhay ng payapa
Nasaan ang katarungan
Nasaan ang kaligayahan
Nating dalawang magkaibigan
Sa pagdaan ng panahon may kasalanang binabayaran
Bakit nga ba nagka-ganiyan
Bakit nga ba nagka-ganiyan
Bakit nga ba nagka-ganiyan
Nasaan ang katarungan
Nasaan ang kaligayahan
Na naranasan natin sa nakalipas na panahon
Noong tayo'y masaya at namumuhay ng payapa (noong tayo'y masaya namumuhay ng payapa)
Nasaan ang katarungan
Nasaan ang kaligayahan
Nating dalawang magkaibigan
Magkaiba man ang ating mundo hindi hadlang upang matupad
Ang ating pangako (ang ating pangako)
Oh