Ang Iwasan
Saan ba titingin pag nandyan ka na
Magkukunwari na naman bang di kita kilala
O pwede bang
Kahit isang sulyap man lang
Pipikit nalang ba o magkukunwaring
Di ako nasasaktan pag di mo pinapansin
O iiwas nalang ulit
Di naman matago ang sakit
Kaya patawad
Kung lalayo na muna
Di pa kase kayang
Makita ka
Pano bang burahin ating ala-ala
At tuluyang palayain ang akalang tadhana
O saan ba nag simula
Kung tago ating pagkawala
Kaya patawad
Kung lalayo na muna
Di pa kase kayang
Makita ka
Makita kang masaya
Habang ako'y di makalaya
Mahal patawad
Kung mahal parin kita
Oh oh oh
Nakikita kita kahit pa nakapikit
Kailangan bang mahirap o ang sakit sakit
Nakikita kita pero titikom muna ang bibig
At baka may masabing di mo pwedeng marinig
Oh oh oh
Kaya patawad kung mahal parin kita (oh)
Kahit nalaman na may mahal ka nang iba (oh)
Oh oh oh