Ikaw Pa Ba

Ikaw pa ba ang nasa puso ko
Ikaw kaya hanggang sa dulo ng mundo
Nangangamba

Pag abala hindi naman tayo
Sadya kayang ganyan ang pagibig nating dalawa
Minsa'y tumatamis minsa'y tumatabang
San nga kaya tayo patutungo
Hindi malaman ng damdamin ang isip ay gulong gulo
Bakit kaya ako lagi na lang nag tatanong

Ikaw pa ba ang nasa puso ko
Ikaw pa ba ang aking mundo
Ikaw pa ba o baka naman nasanay lang ako
Na nariyan ka
Ikaw pa ba

Tayo kaya'y nanghihinayang lang sa panahong
Inukol sa isa't-isa kaya ko bang
Makitang may iba ka ng minamahal
Sa t'wing ako'y nag-iisa laging nag-iisip
Kung ano ang buhay pag ako'y wala sa 'yong piling

Ikaw pa ba ang nasa puso ko
Ikaw pa ba ang aking mundo
Ikaw pa ba o baka naman nasanay lang ako
Na nariyan ka oh

Ako pa ba ang nasa isip mo
Akin pa ba ang iyong buong puso
Ako pa ba o baka naman hinihintay mo lang
Na ako ang magpaalam

Ikaw pa ba ang nasa puso ko
Ikaw pa ba ang aking mundo
Ikaw pa ba o baka naman nasanay na lang ako
Na nariyan ka

Beliebteste Lieder von Rachel Alejandro

Andere Künstler von