Kahapon
Kahapon tandang-tanda ko pa diba't yakap kita
Kahapon ang mundo ko'y walang kasing ganda
Kung bakit ngayon ako'y nag-iisa
Mahal ko nasaan ka na
Kahapon sa piling mo ang puso'y may saya
Ngayon sa araw-araw ako'y lumuluha
Hindi magawang ika'y limutin na
Mahal ko mahal pa rin kita
Kahapon kahapon anong ligaya natin kahapon
Aking mahal saan ka naroon
Ala-ala ka na lamang ba ng kahapon
Kahapon diba't nangakong di tayo magbabago
Subalit di naiwasan at tayo'y nagkalayo
Nandito ako hanap ang puso mo
Mahal ko naghihintay sayo
Kahapon kahapon anong ligaya natin kahapon
Aking mahal saan ka naroon
Ala-ala ka na lamang ba ng kahapon
Kahapon kahapon anong ligaya natin kahapon
Aking mahal saan ka naroon
Ala-ala ka na lamang ba
Giliw mahal pa rin kita
Ala-ala ka na lamang ba ng aking kahapon