Retrato Del Artista Como Filipino
Yan ba
Oo
Kailan ipininta ng 'yong papa
May 'sang taon na
Kagila-gilalas
Ang tawag nya Retrato del artista como Filipino
Larawan ng pintor bilang Pilipino
Ngunit bakit hindi Pilipino ang eksenang yan
Anong ibig nyang ipakahulugan
Matandang nakababa sa batang pang isa
Sa likod ng dalawa
Nasusunog na lungsod
Si papa ang matanda
Si papa rin naman ang batang nariyan
Si papa sa panahon ng kanyang kabataan
Oo nga
At ang lungsod na nag-aapoy
Ang lungsod ng Troya hindi ba
Alam palang lamang istorya
Bitbit ni Aeneas si Anchises na ama paglikas sa Troya
Pininta ng papa nyo ang sarili nya
Sa papel ni Aeneas at ni Anchises pa
Ang sarili ngayon at ang sarili nya nung nagdaang panahon
Kagimbal-gimbal ang dating sa akin
Ang epekto pala sayo'y ganun din
Parang nagdodoble ang aking paningin
Kung minsan isip ko isa 'yang halimaw
Nag-iisang tao na dalawa ang ulo
Alam nyo bang may Pranses na turistang sumulat ng artikulo
Panay ang pagpuri sa larawan ninyo
Noon pang tagahanga ng Papa ang mama
Nakilala sila sa Madrid at Barcelona
Sabihin mo Bitoy reporter ka ba sa isang peryodiko
Ah oo oo
Kaya ka lang pala napadalaw sa amin
Lahat nang naparito hindi kami ang sadya
Kundi ang retrato
Dapat kayong matuwa
Dapat kayong magmarangal
Maraming nag-akalang patay na'ng inyong papa
Ngayong pagkaraan ng maraming taon
Siya'ng pinag-uusapan ng lahat kahit saan
Nabulabog ang bayan
Don Lorenzo Marasigan ang dakilang pintor
Kaibiga't karibal ng dakilang si Juan Luna'y
Hindi lang pala buhay nakalikha pa ng
Ng isa pang obra maestra
Sa kanyang katandaan
Ginawa ng papa ang larawang yan para sa'min ni Candida
'Sang taong tahimik na nakasabit dyan
Nang dumating ang Pranses at sumulat sya
Hindi na kami natahimik hindi na
Araw-araw na lang may reporter sa dyaryo
O potograpo o estudyanteng napaparito
At kami ayaw namin ng ganon
Ayaw namin Bitoy