Tayo Pa Ba?
'Di na tayo nag-uusap
'Di na tayo nagkikita
'Di na natin sinasabi ang mahal kita
Tayo ang nagsimula
Tayo rin ang nagtapos
Pinutol na natin pag-ibig na kinapos
Naaalala mo raw ako (naaalala)
Naaalala rin kita
Mahal mo pa raw ako
Yun ang sabi nila
Ang 'di mo alam mahal pa rin kita (di mo alam)
Tayo pa rin kaya tayo pa ba
'Di na tayo nangangarap
'Di na tayo umaasa
Kahit sa panaginip hindi ka makita
Tayo ang nagpaalam
Tayo rin ang nasaktan
Kaya pa ba natin ang nararamdaman
Naaalala mo raw ako (naaalala)
Naaalala rin kita
Mahal mo pa raw ako
Yun ang sabi nila
Ang 'di mo alam mahal pa rin kita
Tayo pa rin kaya tayo pa ba
Bakit kung kailan nagkalayo
Ngayon gustong magkatagpo
Naaalala mo raw ako (naaalala)
Naaalala rin kita
Mahal mo pa raw ako
Yun ang sabi nila
Ang 'di mo alam mahal pa rin kita (di mo alam)
Tayo pa rin kaya tayo pa ba
Tayo pa rin kaya tayo pa ba