Takipsilim
Hoy kung sino ka man, dumating ka na please
Hoy kung nand'yan ka lang, kanina pa 'ko rito
Puso ay nag-aabang para sa'yong pagdarating
Langit ay nangialam sa atin
At kung ikaw man ay dumating
Ibibigay sa'yo pati takipsilim
'Di ko na alam aking gagawin
Puso kong ito sana'y 'yong hanapin
Hihintayin kita
Hoy kung ikaw na yan, sabihin mo na please
Hoy parang kailan lang mag-isa pa 'ko dito
Langit ay nangialam para sa'yong pagdarating
Puso mo ba ay nag-abang sa akin?
At ikaw na nga ba'y dumating?
Ihahatid na ba sa'king takipsilim?
'Di ko pa alam aking gagawin
Isip kong ito 'wag mo nang lituhin
Nandito ka na
Nandito ka na?
Nandito ka na
Nandito ka na?
tininiw tininiw
Iwan mo ang puso mo dito
At dadalhin nga sa paraiso
Magsasasama tayong dalawa
Wala nang hahanapin pa
At ikaw na nga ay dumating
Lahat ibibigay pati takipsilim
Ngayon alam ko na aking gagawin
Sana'y 'to na nga para 'la nang hanapin
At ikaw na nga ay dumating
Lahat ibibigay pati takipsilim
Ngayon alam ko na aking gagawin
Sana'y 'to na nga para 'la nang hanapin
Mamahalin kita (mamahalin kita)
Mamahalin kita
Hoy kung dito ka lang, 'wag ka nang umalis
Hoy kung tayo na lang, tayong dal'wa na dito