Linlangin Mo
Bakit ikaw bakit ako
Nalilito ang puso ko
Sabihin kung paano sayo'y
Lumayo at limutin ang pag-ibig mo
Hanggang kailan
Hanggang saan pagmamahal ay walang hanggan
Ngunit kailangan nang magpaalam di ko nais
Na ika'y masaktan
Linlangin mo itong puso ko
Sabihin mong pag-ibig ay naglaho
Upang sayo ay lumayo
At talikuran ang nadarama ko
Linlangin mo itong puso ko
Sabihin mong pag-ibig ay naglaho
Upang sayo ay lumayo
At talikuran ang nadarama ko
Bakit kailangan pang magtagpo
Kung sa huli ay
Magkakalayo bakit ngayon lang
Nadama ito ngayong puso mo'y
Natali ng isang pangako
Linlangin mo itong puso ko
Sabihin mong pag-ibig ay naglaho
Upang sayo ay lumayo
At linlangin mo itong puso ko
Sabihin mong pag-ibig ay naglaho
Ngunit paano nang sayo'y lalayo
Kung ikaw ang bulong ng aking puso
Linlangin mo