Walang Hanggang Ikaw

Paano bibilangin ang walang hanggang bukas
Paano susukatin ang hindi nagwawakas
'Di makaya ng isipan ang nadaramang tunay
Siyang pangakong kailanman habang may buhay

Ikaw ang panaginip kong ngayo'y natutupad
Ikaw ang pinangarap kong noo'y hinahangad
Ang walang hanggang pag-ibig sa damdamin ko'y gabay
Hihimlay sa 'yong bisig hindi mawawalay

'Di mauubos ang bukas
'Di matatapos ang oras
Simula hanggang wakas
Ang pag-ibig mo'y walang kupas
Maging balang araw ay walang hanggang ikaw

Ako'y minahal mo na noon hanggang ngayon (hanggang ngayon)
Ako'y mahalin mo ba panghabang panahon (panghabang panahon)
Hindi ako mangangailangan ng pag-ibig sa iba
'Pagkat walang alinlangan ikaw lamang sinta

'Di mauubos ang bukas
'Di matatapos ang oras
Simula hanggang wakas
Ang pag-ibig mo'y walang paglipas
Maging balang araw ay walang hanggang (walang hanggang)

Simula hanggang wakas
Ang pag-ibig mo'y walang paglipas
Balang araw ay walang hanggang ikaw (maging balang araw)

Beliebteste Lieder von Regine Velasquez

Andere Künstler von Middle of the Road (MOR)