Huwag Ka Nang Umiwas

Eugene Pike

[Verse 1]
Nagulat ka ba nang sabihin kong
Ako'y umiibig sa 'yo
Akala ko ay alam mo na
Dahil tayo'y malapit sa isa't isa

[Pre-Chorus]
Ngunit bakit ikaw ay napatawa?
Napahiya tuloy ang damdamin ko
At nang hawakan pa kita'y umilag ka
Ibig sabihin ba nito, ako'y 'di mo gusto?

[Chorus]
Huwag ka nang umiwas, sinta
Ikaw nama'y aking mamahalin, magpakailanman
Oh, huwag mo na sanang tanggihan
Pag-ibig na inaalay sa 'yo
Pakinggan mo naman ang puso kong nagmamahal

[Verse 2]
Naaalala ko nung una
Kaibigan lang turing ko sa 'yo
'Di maiwasan ang pakiramdam
Sumasaya ang araw ko tuwing ika'y kasama

[Pre-Chorus]
Ngunit bakit ikaw ay napatawa?
Napahiya tuloy ang damdamin ko
At nang hawakan pa kita'y umilag ka
Ibig sabihin ba nito, ako'y 'di mo gusto?

[Chorus]
Huwag ka nang umiwas, sinta
Ikaw nama'y aking mamahalin, magpakailanman
Oh, huwag mo na sanang tanggihan
Pag-ibig na inaalay sa 'yo
Pakinggan mo naman ang puso ko
Sinusunod ko lang ang utos nito
Huwag ka nang umiwas, sinta
Ikaw nama'y aking mamahalin, magpakailanman
Oh, huwag mo na sanang tanggihan
Pag-ibig na inaalay sa 'yo
Pakinggan mo naman ang puso ko
Sinusunod ko lang ang utos nito
Aking mahal

Wissenswertes über das Lied Huwag Ka Nang Umiwas von Renz Verano

Wann wurde das Lied “Huwag Ka Nang Umiwas” von Renz Verano veröffentlicht?
Das Lied Huwag Ka Nang Umiwas wurde im Jahr 1998, auf dem Album “Mula Noon, Hanggang Ngayon” veröffentlicht.
Wer hat das Lied “Huwag Ka Nang Umiwas” von Renz Verano komponiert?
Das Lied “Huwag Ka Nang Umiwas” von Renz Verano wurde von Eugene Pike komponiert.

Beliebteste Lieder von Renz Verano

Andere Künstler von Middle of the Road (MOR)