May Nag-Aalala
[Verse 1]
Kung ang ligaya'y 'di mo nakamtan
At ang pag-ibig, 'di mo natagpuan
'Wag mong isiping ika'y nag-iisa
Sapagkat sa 'yo'y mayro'ng nag-aalala
Oh-oh-oh, oh
[Chorus]
'Wag mawalan ng pag-asa
Pahiran ang luha sa 'yong mga mata
Darating din ang liwanag
Sa iyong buhay 'pagkat
Sa 'yo'y may isang nag-aalala
[Verse 2]
Sa bawat buhay ay mayro'ng tag-ulan
At nagiging madilim kung minsan
Ngunit sa likod ng mga ngiting nabulag
Ay may araw na mainit na sisikat
Oh-oh-oh, oh
[Chorus]
'Wag mawalan ng pag-asa
Pahiran ang luha sa 'yong mga mata
Darating din ang liwanag
Sa iyong buhay 'pagkat
Sa 'yo'y may isang nag-aalala
'Wag mawalan ng pag-asa
Pahiran ang luha sa 'yong mga mata
Darating din ang liwanag
Sa iyong buhay 'pagkat
Sa 'yo'y may isang nag-aalala