Bata, Bata Ano Ang Pangarap Mo?
Brasong payat ang unan banig mo ay karton nanginginig ka sa ginaw sa higaang kariton
Damit mo na gusgusin hindi na nalabhan kahapon pa kumain ng mula sa basurahan
Mga batang lasangan sa gubat na aspalto kasama ng barkada estambay sa kanto
Ang iba’y nagtitinda ng sampaguita sigarilyo o namimili na lang ng mga bote at diyaryo
Bata bata ano ang pangarap mo pag laki mo kaya ika’y maging ano
Kung nag-aaral sana musmus na katulad mo sisibol ang pag-asa ng kabataang Pilipino
Sa lipunan ng mga pipi bulag at bingi walang pumapansin sa tahimik mong hikbi
Pag-asa ka ng bayan tadhana’y malagim hinigop ng buhawi nilamon ng dilim oh
Bata bata ano ang pangarap mo pag laki mo kaya ika’y maging ano
Kung nag-aaral sana musmus na katulad mo sisibol ang pag-asa ng kabataang Pilipino
Bata bata ano ang pangarap mo pag laki mo kaya ika’y maging ano
Kung nag-aaral sana musmus na katulad mo sisibol ang pag-asa ng kabataang Pilipino
Nasadlak ka man ngayon sa hirap at dalita pukawin ang pag-asa maabot nag adhika
Kahit nagigipit sa Diyos lang ang kapit ang magandang bukas sa wakas ay makakamit