Kay Ganda ng Ating Musika

Ryan Cayabyab

Magmula nang ako'y natutong umawit
Naging makulay ang aking munting daigdig
Tila ilog pala paghimig
Kung malalim damdami'y pag-ibig
Kung umapaw ang kaluluwa't tinig
Ay sadyang nanginginig

Magmula nang ako'y natutong umawit
Bawat sandali'y aking pilit mabatid
Ang himig na maituturing atin
Mapupuri pagka't bukod-tangi
Di marami ang di-magsasabing
Heto na't inyong dinggin

Kay ganda ng ating musika
Kay ganda ng ating musika
Ito ay atin sariling atin
At sa habang buhay awitin natin

Kay ganda ng ating musika
Kay ganda ng ating musika
Ito ay atin sariling atin

Magmula no'ng ako'y natutong umawit
Nagkabuhay muli ang aking paligid
Ngayong batid ko na ang umibig
Sa sariling tugtugtin o himig
Sa isang makata'y maririnig
Mga titik nagsasabing

Kay ganda ng ating musika
Kay ganda ng ating musika
Ito ay atin sariling atin
At sa habang buhay awitin natin

Kay ganda ng ating musika
Kay ganda ng ating musika
Ito ay atin sariling atin

Wissenswertes über das Lied Kay Ganda ng Ating Musika von Sarah Geronimo

Wann wurde das Lied “Kay Ganda ng Ating Musika” von Sarah Geronimo veröffentlicht?
Das Lied Kay Ganda ng Ating Musika wurde im Jahr 2012, auf dem Album “Pure OPM Classics” veröffentlicht.
Wer hat das Lied “Kay Ganda ng Ating Musika” von Sarah Geronimo komponiert?
Das Lied “Kay Ganda ng Ating Musika” von Sarah Geronimo wurde von Ryan Cayabyab komponiert.

Beliebteste Lieder von Sarah Geronimo

Andere Künstler von Pop