Pangako

Maveric Tamparong

Di ko mapinta
Ang aking nadarama
Kung ibubuhos ang pagibig ko'y
Sa'yo lamang sinta

Hindi na magaalangan
Ang puso ko'y sayo lamang
Ikaw ang simula, o irog ko'y
Sayo lang ang hanggan

Sa bawat bitaw ng mga salitang
Hinahanap ay ikaw
Sa bawat tibok ng puso kong ito'y
Pangalan mo'y sigaw
Sa bawat pangako na binabanggit
Ikaw lang ang tanaw
Sa lahat ng halik na pinapalit
Wala nang bibitaw sa ating

Dalawa
Huwag mag-alala
Mahal kita
Sayo lang din nanabik
Wala nang bibitaw sa ating dalawa

Sa bawat idlip
Ng aking mga matang
Hindi pa rin naniniwalang tayo ay tinadhana
At ngayon ay narito na
Ang langit ay saksi sa
Panghabang-buhay na sumpang
Hinding hindi magigiba

Sa bawat bitaw ng mga salitang
Hinahanap ay ikaw
Sa bawat tibok ng puso kong ito'y
Pangalan mo'y sigaw
Sa bawat pangako na binabanggit
Ikaw lang ang tanaw
Sa lahat ng halik na pinapalit
Wala nang bibitaw sa ating

Dalawa
Huwag mag-alala
Mahal kita
Sayo lang din nanabik
Wala nang bibitaw sa ating dalawa

Dalawa
Huwag mag-alala
Mahal kita
Sayo lang din nanabik
Wala nang bibitaw sa ating

Dalawa
Huwag mag-alala
Mahal kita
Sayo lang din nanabik
Wala nang bibitaw sa ating dalawa

Beliebteste Lieder von Sparky

Andere Künstler von Hard rock