Dear Kuya [.]
Dear kuya kumusta ka na dyan
Anong balita malamig ba dyan
Dito mainit pero kung bumagyo
Para bang lahat ng tubig sa mundo ay nandito
Matagal na rin mula nang ika'y
Magpasyang subukan ang swerte
At abutin ang iyong mga pangarap sa ibang bansa
Kung saan ikaw ay laging mag-isa
Kami tuloy dito nag-aalala
Nasan ka man ngayon
Ano man oras na ika'y may kailangan
Tawag ka lang sa amin
At parang nandito ka na rin parang nandito ka na rin
Oo nga pala kung nasa 'yo pa
Ang checkered na polo ko sa 'yo na yan
Hanap ka na rin ng maraming mapapaglibangan
Dahil balita ko mahal daw ang sine dyan
Dambuhala raw ang mga pinapakain dyan
Tataba ka malamang
Miss mo na bang magtagalog
Kuya pag may kumausap sa 'yo
Galingan mong mag-ingles galingan mo kuya
Nasan ka man ngayon
Ano man oras na ika'y may kailangan
Tawag ka lang sa amin
At parang nandito ka na rin
Nasan ka man ngayon
Ano man oras na ika'y may kailangan
Tawag ka lang sa amin
At parang nandito ka na rin parang nandito ka na rin
Dear kuya hinahanap ka ni mama at daddy
Sulat ka palagi
Miss ka namin pati nga kapitbahay nagtatanong
San ka raw nagpunta san ka raw nagpunta
Nasan ka na kuya
Nasan ka man ngayon
Ano man oras na ika'y may kailangan
Tawag ka lang sa akin
At parang nandito ka na rin
Nasan ka man ngayon
Ano man oras na ika'y may kailangan
Tawag ka lang sa amin
At parang nandito ka na rin
Parang nandito ka na rin
Parang nandito ka na rin