Alinlangan
Sumasapit ang dilim
Na walang mga bituin
Isip mo ba'y ginugulo
Mahal mo na nga ba ako
Wag ka nang matakot sa lungkot
Wag kang mag-alala ako ang iyong kumot
Sa alinlangan
Ako ang payong sa tuwing umuulan
Ng alinlangan
At hindi mo na kailangang mag-isa
At kung malabo ka pa sa ulat
'Yaan mong sa piling ng aking mga yakap
Ang mga sugat mo'y gumaling
Nakaraa'y ipasa-hangin
Wag ka nang matakot sa lungkot
Wag kang mag-alala ako ang iyong kumot
Sa alinlangan
Ako ang payong sa tuwing umuulan
Ng alinlangan
At hindi mo na kailangang mag-isa (ha)
Ha ha ha ha ha ha