Batang-bata Ka Pa [Acoustic]

Batang-bata ka pa at marami ka pang
Kailangang malaman at intindihin sa mundo
Yan ang totoo
Nagkakamali ka kung akala mo na ang buhay
Ay isang mumunting paraiso lamang

Batang-bata ka lang at akala mo na na alam
Mo na ang lahat ng kailangan mong malaman
Buhay ay di ganyan
Tanggapin mo na lang ang katotohanan na ikaw
Ay isang musmos lang na wala pang alam
Makinig ka na lang makinig ka na lang

Ganyan talaga ang buhay lagi kang nasasabihan
Pagkat ikaw ay bata at wala pang nalalaman
Makinig ka sa'king payo pagkat musmos ka lamang
At malaman ng maaga ang wasto sa kamalian

Batang-bata ako nalalaman ko 'to
Inaamin ko rin na kulang ang aking nalalaman at nauunawaan
Ngunit kahit ganyan ang kinalalagyan
Alam ko na may karapatan ang bawat nilalang
Kahit bata pa man kahit bata pa man

Nais ko sanang malaman ang mali sa katotohanan
Sariling pagraranas ang aking pamamagitan
Imulat ang isipan sa mga kulay ng buhay
Maging tunay na malaya sa katangi-tanging bata

Batang-bata ka pa at marami ka pang
Kailangang malaman at intindihin sa mundo (nais ko sanang malaman ang mali sa katotohanan)
Batang-bata ka lang at akala mo na na alam mo
Na ang lahat ng kailangan mong malaman (nais ko sanang malaman ang mali sa katotohanan)
Nagkakamali ka kung akala mo na ang buhay
Ay isang mumunting paraiso lamang (nais ko sanang malaman ang mali sa katotohanan)
Nagkakamali ka kung akala mo na ang buhay
Ay isang mumunting paraiso lamang (nais ko sanang malaman)

Batang-bata ka pa batang-bata ka pa batang-bata ka pa
Batang-bata ka pa batang-bata ka pa batang-bata ka pa
Batang-bata ka pa batang-bata ka pa batang-bata ka pa (la la la)
Batang-bata ka pa batang-bata ka pa batang-bata ka pa (la la la)
Batang-bata ka pa batang-bata ka pa batang-bata ka pa (la la la)
Batang-bata ka pa

Beliebteste Lieder von Sugarfree

Andere Künstler von Pop rock