Kwentuhan [Acoustic]
Kanina pa
Tayo magkasama
Umaga na pala
Maya-maya lang ay may araw na
Kahit tayo'y pagod
Buong mundo ay tulog
Ikaw at ako
Dire-diretso lang na walang pakialam
Kwentuhan lang
Wala namang masama
Puro usap lang
Ibaon mo na sa limot ang lungkot yeah
Tatawa tayo
Sabay seryoso
Unti-unti kang nakikilala
Ang sarap-sarap mo palang kasama
Dati kasi
Tahimik ka lang palagi
Ngunit ngayong gabi
Parang kay rami-rami mo nang sinabi
Kwentuhan lang
Wala namang masama
Puro usap lang
Dahil gusto kita't
Makilala't makasama
Makasama
Oh
Umaga na
Tulog ka na
Ang himbing mong managinip
Ang sarap-sarap mong umidlip
Uwi na kaya ako o dito muna siguro
Samahan muna kita dahil parang ayaw mong mag-isa
Samahan ka wala namang masama
Kung samahan ka hanggang lungkot ko'y makatulog din
Oh