Panata 3 Serbisyong Totoo [A Collection of Kapuso Themes: Kay Sarap Maging Kapuso]

Alinmang sulok ng daigdig aabutin
Ihahatid ang napapanahong balita
Balita'y dapat balita lang
Walang kulay o bahid ng panlilinlang
Ang tanging hangarin ay maparating ang katotohanan

Kapuso tayo tapat sa pagbabalita
Kapuso ikaw at ako
Kapuso tayo tapat sa pagbabalita
'Di pagagamit kanino man

Katotohanang magpapalaya sa bayan (hahanapin babantayan)
Katotohanang magpapalaya sa bayan (haharapin ipaglalaban)
Katotohanan ang panata namin sa bayan

Magpasya para sa sarili
Di kailangang maniwala sa sabi-sabi
Ang susi ay katotohanang hawak mo

At pag nakamtan
Ito'y makapangyarihan
Ang tirik at takot natatanggal
Pinapakilos pinaahon ang bayan

Kapuso tayo tapat sa pagbabalita
Kapuso ikaw at ako
Kapuso tayo tapat sa pagbabalita
Di pagagamit kanino man

Katotohanang magpapalaya sa bayan (hahanapin babantayan)
Katotohanang magpapalaya sa bayan (haharapin ipaglalaban)
Katotohanan ang panata namin sa bayan

Katotohanan palaganapin pa
Ilaw sa dilim
Bayan lumaya ka

Katotohanang magpapalaya sa bayan (hahanapin babantayan)
Katotohanang magpapalaya sa bayan (haharapin ipaglalaban)
Katotohanan ang panata namin
Katotohanan ang panata namin
Katotohanan ang panata namin
Sa bayan

Beliebteste Lieder von Sugarfree

Andere Künstler von Pop rock